Simple lamang ang kaligayan ng mga bata... hindi kailangan ng magara or mamahaling laruan... Sana nga manatiling simple lamang ang gusto natin sa buhay...
Showing posts with label "litratong pinoy". Show all posts
Showing posts with label "litratong pinoy". Show all posts
Tuesday, 26 May 2009
Thursday, 7 May 2009
LP 56: Simula Pa Lamang
Kinunan ko ang mga ito nang unang araw ng aking mga anak sa paaralan nitong 2009. Ang panganay ko ay nasa-ikatlong baitang at ang bunso naman ay nasa kindergarten...
Parang kailan lamang ng mga sanggol pa sila...
Ngayon ay simula pa lamang ng kanilang mahabang paglalakbay...
(I took these photos during the kids' first day this school year 2009. My eldest is in Year 3, my youngest just started kindergarten...
It still feels like yesterday when they were only babies...
Today, they start their long journey to life...)
Wednesday, 6 May 2009
LP55: Tulay
Kung tulay lang naman ang pag-uusapan at ikaw ay nasa Sydney, Australia, pwede ba namang hindi mabanggit ang sikat na Sydney Harbour Bridge?! Dito nagaganap ang isa sa pinakamagandang fireworks tuwing bagong taon. Sa tuwing nalalapit ang bagong taon, usap-usapan kung ano ang bagong gimik na ipapakita nila dahil ang madalas na finale ay nasa Harbour Bridge.
Hindi lang ito magandang tingnan. Pwede mo din itong akyatin. Ilang taon na rin nilang ginagawa ang Harbour Bridge Climb. Di ko pa ito nasusubukan dahil takot ako sa matataas na lugar. Pero marami na rin akong kaibigan na sumubok at sabi nila ay sulit na sulit ang karanasan dahil kitang-kita mo ang buong Sydney! Balang araw siguro, susubukan ko din to.
Wednesday, 29 April 2009
LP 54: Gusali
Ito ang unang akda ko para sa bago kong proyekto - PROJECT LP...
Noong isang taon lang ako nahilig sa potograpiya kaya nagdesisyon kami ng pamangkin ko na kumuha ng
maikling kurso sa potograpiya dito sa Sydney.
Ito ang isa sa mga kuha ko mula sa kurso.... GUSALI SA GUSALI... kung saan ang isang gusali ang nagsilbing isang salamin para sa AMP building...
Ito pang ang isang litrato ng isa sa pinakasikat na gusali dito sa Sydney... ang Sydney Opera House...
Project LP
Arrgghh!!
I failed on my Project 365... BIG time!!! It only lasted a week... I knew it wasn't going to be easy but I didn't think it was VERY difficult... but I feel I need to find time for my photography, so i decided to join an online camera club... so now...
The easy part is done for the photographer - they choose the subject for you... Now, it's up to the photographer to come up with something creative... The challenging part?! Writing the blog in Tagalog!!! Hala!!! I speak fluent Tagalog but I was never good at creative writing, let alone in Tagalog!!!
Im really looking forward to this new project... so for now, watch this space for Project LP...
Subscribe to:
Posts (Atom)
