Wednesday, 6 May 2009

LP55: Tulay

Kung tulay lang naman ang pag-uusapan at ikaw ay nasa Sydney, Australia, pwede ba namang hindi mabanggit ang sikat na Sydney Harbour Bridge?!  Dito nagaganap ang isa sa pinakamagandang fireworks tuwing bagong taon.  Sa tuwing nalalapit ang bagong taon, usap-usapan kung ano ang bagong gimik na ipapakita nila dahil ang madalas na finale ay nasa Harbour Bridge.

Hindi lang ito magandang tingnan.  Pwede mo din itong akyatin.  Ilang taon na rin nilang ginagawa ang Harbour Bridge Climb.  Di ko pa ito nasusubukan dahil takot ako sa matataas na lugar.  Pero marami na rin akong kaibigan na sumubok at sabi nila ay sulit na sulit ang karanasan dahil kitang-kita mo ang buong Sydney!  Balang araw siguro, susubukan ko din to.



Ito naman ang pantaong tulay sa Darling Harbour.  Ang Darling Harbour naman ang madalas na puntahan ng mga tourista.  Ito ang tulay na nag-uugnay sa CBD at sa mismong Darling Harbour.  







No comments: